Carla Abellana collapses while taping ‘Rosalinda’

Carla Abellana collapses while taping ‘Rosalinda’.. Saw this news today at 24 Oras. There’s even a video of it there and I will try and find it to post it here. The good news is that Carla Abellana is alright and doing good. She says she’s been busy with all the tapings and guestings and others.



For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV


Labis daw na nabahala si Geoff Eigenmann nang mawalan ng malay ang kanyang leading lady na si Carla Abellana habang nagta-taping sa telebabad series na Rosalinda.

Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na sobrang pagod, irregular heart beat at low sugar ang nakitang dahilan ng mga duktor kung bakit bumigay ang katawan ng dalaga.

Sobra raw kasing mabigat ang mga kinunang eksena ng Pinay Rosalinda noong Lunes at hindi na kinaya ng kanyang katawan.

“That day lahat ng eksena ko iyakan, very physical so heavy talaga,” kuwento ni Carla sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.

Kasama si Geoff sa nagdala kay Carla sa ospital at nagbantay hanggang bumuti ang kalagayan ng kanyang ka-love team.

“Pinatulog muna namin siya, bagsak talaga e,” kuwento ni Geoff. “While she was resting, she was sleeping wala, hindi namin siya gustong guluhin, so pinatulog muna namin before we took her to the hospital.”

Mabuti na raw ang lagay ni Carla at tuloy na rin ang kanilang taping. Pero si Geoff, nag-aalala pa rin at todo ang alalay sa kapareha.

“Dito ko nakabantay lang, if she needs anything tutulungan ko siya,” ayon kay Geoff.

Ano naman kaya ang masasabi ni Carla sa ginawang pag-asikaso sa kanya ng kanyang leading man at staffs ng Rosalinda?

“Ok na ako promise, wala naman yun e…Thank you lang sa concern at sa help, nandyan kayo, hindi nyo ko iniwan,” pagpapasalamat ng dalaga. – Fidel Jimenez, GMANews.TV

p>

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. You can leave a response, or trackback from your own site.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>